Saturday, April 4, 2009

Dear Kalat

Mukhang hindi na yata talaga ako makakawala sa’yo. Kahit magligpit ako nang magligpit, maya-maya lang andyan ka na naman. It doesn’t help na marami kang kakampi rito, namely, ang aking tatlong anak at ang aking butihing asawa. Hindi kasi makukumpleto ang araw nila kung hindi sila gagawa ng kagaya mo. Mas marami mas mabuti.

Bakit ba naman kasi hindi pa ako masanay sa’yo? Sabi ng ilang taong nagmamagandang-loob sa akin, kailangan ay tanggapin ko na na kaparte ka ng aking buhay lalo pa’t meron akong 3 maliliit na anak (at isang mabait at masipag ngunit makalat na asawa). Pero mahirap kasi baguhin ang ilang ugali nang kinalakhan kagaya ng pagiging ok-ok ko sa pagbalik ng mga gamit sa kani-kanilang lalagyan. Pero hindi lahat ay ganoon, at ito ang dapat kong matutunan tanggapin. Meron talagang mga tao na pagkakagamit ng isang bagay ay masaya na sa pagpatong nito kung saan pinakamalapit at pinaka-convenient. Halimbawa, pagkakain ng flat tops, ipatong na lang ang balat sa ibabawa ng dresser o sa kama o sa mesa… keber kung ang basurahan ay wala pang isang dipa ang layo sa kanya. Kaya tuloy parang normal na normal na para sa akin ang magligpit ng mga pinag-gupitan ng kuko. Hindi nailclutter ha, I mean, cutter. Mga kuko. Na hindi sa akin nanggaling. As in.

Marahil kailangan ay matutunan kong tanggapin ka na lang. O mas maganda siguro kung matutunan ko na lang na pulutin at iligpit ka na lang nang walang imik at buong pasensya. Hindi naman ako nagluluto o naglilinis ng bahay. Tutal dito lang naman ako magaling – sa pagliligpit sayo.

See you again (really soon).

Irritatingly yours,
Kay

No comments: