Dear Coffee,
Ikaw talaga… totoo pala na nakaka-addict ka. Nagsimula ako sa painom-inom lang ng 1 malabnaw na tasa paminsan-minsan. Tinatawanan pa nga ng asawa ko ang timpla ko kasi napaka-labnaw daw. Batang-Milo kasi ako. Bukod doon, nakakaranas ako ng hypoglycemia pag nagkape ako sa umaga tapos lumabas ako ng bahay. Minsan sa gitna ng pagra-rounds sa ospital bigla na lang ako mahihilo at pagpapawisan ng malamig.
Binigyan ako ng bestfriend ko ng medyo mamahalin na klase kagaya mo. Inisip ko, nagre-review naman ako… I deserve you. Unti-unting dumami ang nilalagay ko sa mug ko. Hanggang sa, hindi ko na namalayan, umiinom na pala ako ng dalawa hanggang tatlong mug ng matapangtapang na kape maghapon!
Hay. Pasensya ka na. Napakasarap mong talaga kahit na medyo kinakabog ang dibdib ko pag minsan (kagaya ngayon habang nagta-type ako… parang may nerbyos, tipo bang parang may inaabangan akong mangyayaring masama). Tsk, tsk. Masama na ito.
Mabigat man sa loob ko, kailangan nating bawas-bawasan ang ating pagkikita, my friend. Tama na siguro ang minsan sa isang araw, either sa umaga or sa gabi pag talagang antok na antok na ako. Tutal sabi sa mga magazines, di ka raw mabuti sa katawan – nakaka-dehydrate, nakakatanda ng kutis (oh no!), nakakadilaw ng ngipin (lalo? oh no talaga!), nakaka-ulcer, at pansamantala lang ang epekto mong pampa-alerto at nasusundan naman ng pagbaba ng level ng energy sa katawan. Kung bakit naman kasi napakasarap mong talaga.
Cool-off muna tayo ha. Hanggang sa muli.
Addictedly yours,
Kay
No comments:
Post a Comment