I apologize, dear God, for the sorry attitude I’ve been displaying since yesterday. Today I realized I have been doing my best to forget about that tiny incident the other day. Sorry talaga, Lord. Such a loser. Pasensya Ka na dahil pikon ako. Pikon na pikon.
Humuhingi ako ng tawad dahil sa para bang nakalimutan ko na lahat ng mabubuti kong adhikain at pangarap. Naisip ko, isa yatang pagpapanggap ang sinasabi kong hangarin na makatulong sa mga kapwa ko taga-Q_____. Pagpapanggap na ang sa ilalim ay ang hangarin na kumita. Ng malaki. Kaagad.
Sorry, Lord dahil sa una ko pang iniisip ang napakailap na Fino bag na ipinangako ko sa sarili ko na bibilhin ko sa oras na magsimula akong kumita sa mga consultation at biopsy. Sorry talaga, Lord, kung nahahalata mo na nagkakaroon ako ng feeling of entitlement. As if I deserved this. As if I got here solely on my merits with no help whatsoever.
Sorry, sorry po. Humihingi po ako ng tawad. Hinihiling ko rin po ang napakahabang pasensya. Patience.
Turuan n’yo po akong magpasalamat pa nang husto sa Inyo. Turuan n’yo po ako na i-enjoy ang bawat oras at bawat araw. Sabi nga sa kanta, “ang magbigay nang ayon sa nararapat na walang hinihintay mula sa’Yo”.
No comments:
Post a Comment